San Nicolas Forum Site
Please Login to view the full features of Sannicolanian's Forum Board.


Made to Connect Sannicolanians
 
HomePortalChatboxCalendarFAQMemberlistUsergroupsRegisterLog in

 

PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO...

View previous topic View next topic Go down 
Author Message
Xthatech
Admin
Admin


My Mood Today : Working
My Country Location : Philippines
Posts : 245
SNP Cash $ : 685
Join date : 2009-05-16
Location : San Nicolas, Pangasinan
My Barangay Secret
Male
Age : 28

PostSubject: PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO...   Mon May 25, 2009 9:49 am

PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO...


nagising nalang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang.
kumain
ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero bakit
ganito
parang ang bigat ng pakiramdam ko.
pumasok ako sa trabaho nagiisip parin muntik na nga akong matisod sa
kakaisip lang nito. tinanong nako ng mga katrabaho ko, ano ba meron
sakin
bakit ang tamlay ko. sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan.
alam mo ba
yung pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo, tipong
merong
kailangang makapuno? yun ang naramdaman ko nung araw na yun, gusto
ko na
ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito. pero hindi ko
ginawa, hindi naman dapat.
mga bandang tanghali pagkatapos ng tanghalian, tumawag siya, lam mo
na
siya, yung lalaking minahal ko buong buhay ko pero iniwan ako para
sa ibang
tao, wala lang nangamusta lang labas daw kami pagkatapos ng trabaho,
nagisip ako ng mabuti, kung papayag ako o hindi, naisip ko ano ba
namang
masama, nasa malayo naman nagtatrabaho ang girlfriend niya, parang
malalaman diba?
natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo niya ako sa trabaho,
kumain
kami, nagusap, binalik ang nakaraan, sabi ko nalang wag nang
pagusapan may
buhay na siya, masaya narin ako sa buhay ko, kaibigan nalang
maibibigay ko,
ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako, kumpara ba ako sa
bago,
mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas understanding, sabi ko nga
aba eh
bakit mo sakin sinasabi yan, ano ito bolahan, natawa lang siya kahit
hindi
nakakatawa, nainis nga ako di ko nalang pinakita, pero kahit na nag
usap
kami nandun parin yung malaking butas nararamdaman ko parin, hanggang
sa
naisip ko baka kulang lang ako ng pagtawag sa kanya, pero hindi naman
kse
madalas ako tumatawag sa kanya, siguro namn kilala niyo na kung sino
yun.
naglalakad nakami pauwi, papunta sa auto niya, nakalimutan ko kahit
sandali
ang kulang na nararamdaman. napatawa pako sa mga biro niya, napalo ko
pa nga
sa kakatawa. biglang naring ang cellphone ko...kapatid niya umiiyak,
sabi ko
bakit kasama ko kuya mo, pauwi na kami.
bigla siyang natahimik, tinanong ko bakit, at dahan dahan niyang
sinabi..
"pano nangyari yun eh si kuya nadisgrasya, na total wreck sasakyan
niya..ate patay na siya"
nabigla ako hindi ko maintindihan pano nangyari na patay na siya eh
kasama
ko pa???
pag harap ko sa likod ko..nandun parin sha, ganun parin suot niya
pero
duguan na..napaluha ako, ngumiti lang sha at sinabi na...
"naramdaman mo na ba yung pakiramdam na parang may kulang hindi mo
maintindihan kung bakit?"
napa oo nalang ako habang patuloy na lumuluha..
"papunta ako sayo ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun,
yung kulang sa buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo..pero diba
sabi
ko naman sayo kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw ang
nasa tabi ko"
tapos bigla nalang siyang nawala..bumigat lalo pakiramdam ko,napaupo
ako sa
lapag, wala nalang akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung kailan
lahat
ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin nalang ang lahat ng ito...
"People may not remember exactly what you did or what you said but
they will
always remember how you made them feel."
_________________
Back to top Go down
http://sannicolanians.forumotion.com

PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO...

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum: You cannot reply to topics in this forum
San Nicolas Forum Site :: Hobby and Entertainment :: . :: Love Stories & Qoutes -